Batang Pinoy 2019 National Finals, isasagawa sa lalawigan

Blog Single

Pinaghahandaan ngayon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan ang pagiging co-host ng Puerto Princesa City para sa Batang Pinoy 2019 Finals na nakatakdang isagawa simula sa ika-25 hanggang ika-31 ng buwan ng Agosto, taong kasalukuyan.

Kamakailan ay pormal na iginawad ng Philippine Sports Commission (PSC) sa lokal na pamahalaan ng Puerto Princesa City ang pagiging host ng Batang Pinoy 2019 Finals at ang lalawigan ng Palawan naman bilang co-host.  Ang naturang palaro ay inaasahang lalahukan ng mga manlalaro mula sa iba’t ibang probinsya sa Pilipinas.

Inaantay nalang namin ang city government kung ano ang request nila sa atin as co-host… mag-occular inspection pa kasi ang mga taga Philippine Sports Commission dito,” ayon kay Francis Nemenzo, sports and games inspector ng Provincial Sports Division.

Tinatayang nasa 10,000 atleta mula sa mga naunang qualifying legs na ginanap sa mga lungsod ng Tagum, Iloilo at Iligan ang inaasahang makikilahok sa national championships at sasali sa 21 sporting events tulad ng archery, arnis, athletics, boxing, dance sport,s swimming at iba pa.

Samantala, patuloy naman ang ginagawang pagsasanay ng Provincial Sports Division sa mga manlalaro ng Palawan para isabak sa Batang Pinoy 2019 Finals.