17 Medical Student Scholars ng Pamahalaang Panlalawigan, magtatapos ngayong 2019

Blog Single

Nakatakdang magtapos sa pag-aaral ng kursong medisina ngayong taon ang pangalawang batch ng benepisyaryo ng Programang Pang-Edukasyon para sa Palaweño (PPP) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan.

Kabilang sa 17 medical students na inaasahang magtatapos sina Kristine May V. Razote, Pamela Joy A. Quilinguen, Marylen T. Cueto, Krizia Chloe A. Linsangan, Nikki Lyra M. Borja, Alberto S. Liao II, Ma. Celina D. Molo, Jomar Nicko Rodriguez, at Donna Vie T. Delicana.

Ilan pa sa mga tumatanggap ng tulong-pangmatrikula mula sa Pamahalaang Panlalawigan sina Karla Therese L. Lapeña, Ezekiel V. Cuadra, Faith F. Hernandez, Louie Angelo V. Lopez, Tameera Angelette M. Mcquen, Pal Dominie V. Sitcharon, Madelle G. Socrates, Daphnie Marie M. Yayen.

Ang suporta sa pag-aaral ng mga Palaweñong naghahangad na maging doktor ay prayoridad na hakbang sa ilalim ng programang IHELP ni Gov. Jose Ch. Alvarez.

Bilang kasunduan, ang mga magtatapos at ganap na magiging doktor ay maglilingkod sa mga ospital na ipinapatayo sa mga munisipyo katumbas ng taon na sila ay sumailalim sa programa. Ang bawat benepisyaryo ay tumatanggap ng P70, 000 tulong-pangmatrikula kada semestre.

Sa kasalukuyan ay mayroong 110 medical student scholars ang Pamahalaang Panlalawigan.   Noong ika-29 ng Mayo 2019 ay nagsagawa ang IHELP-Education Unit ng screening at interview para sa mga bagong aplikante ng programa.

Sa isinagawang oryentasyon, inihayag ng program manager nito ang kagustuhan ng Pamahalaang Panlalawigan na tumulong sa aspetong pinansyal ng kanilang pag-aaral.

“We on the government side, we’ll help you with the tuition but it will be more on the individuals who will study in to give your all,” ani education program manager Agnes Alarilla.

Ilan sa mga matagumpay na produkto ng programa sina Dr. Pennsylvania O. Baluyut, Dr. Joel Victor P. Rabanal, Dr. Daylara B. Silva, Dr. Harold Ian C. Iquin, Dr. Emmanuel D. Alfaro Jr., Dr. Ariane May G. Dacillo, at Dr. Shaiyna Nur O. Mangaccat.