September 2019 Licensure Examination for Professional Teachers, isasagawa sa Palawan

Blog Single

Kabilang ang lalawigan ng Palawan sa pagdarausan ng Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT) na nakatakda sa ika-29 ng Setyembre 2019.

Inaprubahan ng Professional Regulation Commission (PRC) ang kahilingan ni Gob. Jose Ch. Alvarez na mapabilang ang Palawan sa mga additional testing centers para sa nakatakdang eksaminasyon ng mga nagnanais maging lisensyadong guro.

“The commission resolves to designate additional testing centers for the September 2019 LEPT, namely: Kidapawan; Marinduque; Masbate; Occidental Mindoro; Oriental Mindoro; Palawan; and Romblon,” nakasaad sa Resolution No. 1165 na ipinadala ng PRC.

Ang aplikasyon sa naturang board examination ay nagbukas noong ika-1 ng Abril at magtatapos sa ika-31 ng Hulyo 2019.