Suporta para sa mga mag-aaral ng Maritime hinihikayat ng Sangguniang Panlalawigan

Blog Single

Isang resolusyon ang ipinasa sa 42nd Sangguniang Panlalawigan na humihingi ng suporta sa dalawang ahensya ng gobyerno na kinabibilangan ng Philippine Ports Authority (PPA) at Maritime Industry Authority para hikayatin ang mga shipping companies na bumibiyahe sa lalawigan ng Palawan na makibahagi sa pagsulong sa edukasyon ng mga kumukuha ng maritime education sa pamamagitan ng paglalaan ng Apprenticeship Program.

Malaking tulong sa mga mag-aaral ng Palawan Polytechnic College, Incorporated (PPCI) na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Marine Engineering, Enhanced Support Level Program Marine Deck, Enhanced Support Level Program Marine Engine at Maritime Track for Senior High School kung magiging katuwang sa Apprenticeship Program ang mga shipping companies na bumibiyahe dito. Malaking katipiran dahil hindi na sila pupunta sa Cebu at iba pang lugar upang magsailalim sa apprenticeship” ayon kay Board Member Winston Arzaga na siyang may akda ng resolusyon.

Samantala, isa pang resolusyon ang inakda naman ni Board Member Clarito Demaala IV na tumutugon sa pangangailangan ng sambayanan partikular ang mga mag-aaral.  Ipinasa noong ika-141 na regular na sesyon ng Junta Probinsyal ang Resolution No. 77-19 na humihikayat sa mga lokal na pamahalaan sa Palawan na maglaan ng pampublikong aklatan at kung mayroon na ay isaayos ito upang maging angkop sa makabagong kaalaman sa larangan ng edukasyon at teknolohiya.

Isinasaad sa naturang resolusyon na dapat ay pagandahin ang mga aklatan, gawing maayos at kaaya-aya at lagyan ng malakas na internet upang maakit ang mga kabataan at mamamayan na tumungo dito kaysa sa mga coffee shops upang mag-aral o gumawa ng pananaliksik.

Libraries are an integral part of a society/or community, they are an avenue of reading, learning and of education in general. The provincial government of Palawan believes that having competent library is necessary for progress,” ani Board Member Demaala.