Kakulangan ng mga Public Utility Comfort Rooms sa mga terminal, binigyang-pansin ng Sangguniang Panlalawigan

Blog Single

Isang panukalang resolusyon ang pinagtibay sa ika-42 regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan na humihimok sa mga pamahalaang-lokal ng bawat munisipyo na maglaan ng sapat na pondo para sa konstruksyon ng mga palikuran sa mga terminal ng sasakyang panlupa sa kani-kanilang lokalidad.

Ayon kay Board Member David Francis Ponce De Leon na siyang may akda ng panukala, isang malaking pangangailangan ang pagkakaroon ng malinis at komportableng mga palikuran na may kumpletong pasilidad sa mga istasyon upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga biyahero lalo na yaong mga turista na bumibisita sa lalawigan.

 “Ang ating lalawigan ay paboritong pasyalan ng mga lokal at banyagang turista kaya dapat lamang ay magkaroon tayo ng mga palikuran na pinangangasiwaan ng mga lokal na pamahalaan upang masiguro ang kalinisan at kaayusan ng mga pasilidad  nito at magagamit ito ng walang bayad” wika ni BM Ponce De Leon sa kanyang sponsorship statement