Mahigit 12,000 units ng Solar Home System, naipamahagi sa mga munisipyo sa bahaging Sur ng Palawan

Blog Single

Nasa 12,480 units ng Solar Home System ang naipamahagi sa ilang munisipyo sa bahaging sur ng lalawigan ng Palawan simula noong Hulyo 2018 hanggang Mayo 2019.

Base sa tala ng Energy Development Program ng Pamahalaang Panlalawigan, 984 units ay naipamahagi sa bayan ng Aborlan, 4,536 sa munisipyo ng Bataraza, 1,766 sa bayan ng Brooke’s Point,  952 units sa Narra, 1,554 units sa Quezon, 2,065 units sa Rizal at 615 units sa bayan ng Sofronio Española. Nakatanggap rin ng 8 units ng Solar Home System ang Bahay Pag-asa Youth Center sa Puerto Princesa.

May kabuuang walumpu’t anim na barangay ang napagkalooban ng Solar Home System. Ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod: 15 barangay sa Aborlan (Apo-Aporawan, Apoc-Apoc, Aporawan, Barake, Cabigaan, Culandanum, Jose Rizal, Mabini, Plaridel, Poblacion, Ramon Magsaysay, Sagpangan, San Juan, Tagpait at Tigman); 22 barangay naman sa Bataraza ( Bono-bono, Bulalacao, Buliluyan, Culandanum, Inogbong, Igang-igang, Iwahig, Malihud, Malitub, Marangas, Ocayan, Puring, Rio Tuba, Sandoval, Sapa, Sarong, Sumbiling, Tabud, Tagnato, Tagolango, Taratak at Tarusan); 7 barangay sa Brooke’s Point  (Brgy. Amas, Barong-barong, Maasin, Malis, Salogon, Samariniana at Saraza); 16 Barangays sa Narra (Antipuluan, Bagong Sikat, Batang-batang, Caguisan, Calategas, Dumangueña, Elvita, Estrella Village, Ipilan, Malinao, Panacan 1, Panacan 2, Poblacion, Tacras, Taritien at Tinagong Dagat); 9 na barangay sa Quezon (Aramaywan, Berong, Calumpang, Kalatagbak, Maasin, Malatgao, Quinlogan, Sowangan at Tabon); 11 barangay sa bayan ng Rizal (Bunog, Campong Ulay, Candawaga, Canipaan, Culasian, Iraan, Latud, Panalingaan, Punta Baja, Ransang at Taburi); habang limang barangay naman nabigyan sa Española (Iraray, Isumbo, Pulot Center, Pulot Interior at Punang).

“Nasa 86 barangays ang nabigyan natin sa pitong munisipyo then meron sa Puerto Princesa, so mayroon tayong 12,480 total units distributed then we have almost 8,000 units na naka-stand by and ready na rin for distribution within the year… Then sa pagpili naman ng mga beneficiaries, nagbibigay ang LGU ng listing, sila yung nagde-decide kung sino yung mga dapat na mabigyan ng Solar Home System” ani ni Engr. Ricardo Rodriguez, Executive Assistant I, Energy Development Program.