Active Shooting Simulation Exercise, isinagawa sa kapitolyo

Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery

Isinagawa kaninang umaga, ika-19 ng Hunyo sa kapitolyo ang isang Active Shooting Simulation Exercise na pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) katuwang ang Provincial Peace and Order Program, Palawan Rescue 165 at Provincial Capitol Security Guards (PCGS). Pangunahing layunin nito na malaman ang kahandaan ng Pamahalaang Panlalawigan partikular ang response units nito kaugnay sa pagbibigay ng seguridad sa mga empleyado at opisyal ng pamahalaan sakaling magkaroon ng aktwal na shooting incident.

Sa mahigit dalawang oras na Shooting Simulation Exercise, isinadula ang mga posibleng mangyari sakaling magkaroon ng active shooting incident kung saan ay mayroong mga gumanap bilang assailants na pumasok sa gusali ng kapitolyo. Agad namang rumesponde ang response units ng kapitolyo at nag-deploy ng security teams na kinabibilangan ng Alpha, Bravo, Charlie, Delta, Zulu upang i-neutralize ang mga assailants. Mayroon ding inilatag na road-blocks at checkpoints sa paligid ng kapitolyo. Binigyan naman ng order ang mga opisina ng kapitolyo na mag-lockdown para sa seguridad ng mga ito.

Matapos ang shooting incident, nagsagawa ang response unit ng site inspection para hanapin ang mga posibleng explosives na naiwan at i-assess ang lawak ng pinsala ng insidente. Bukod naman sa response unit ng kapitolyo, rumesponde rin ang Provincial at City PNP, SWAT, Western Command, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard at Provincial Health Office.

Mayroon ding itinalagang Incident Command Post at Incident Management Team na binubuo ng Triage (Team 1), Extraction (Team 2&3) at Advance Medical Post (Team 4&5) na magbibigay ng first aid at iba pang serbisyong medikal sa mga nasugatan sa insidente.

Matapos nito ay nagsagawa ng evaluation ang Pamahalaang Panlalawigan kaugnay ng Active Shooting Simulation Exercise na kung saan ay inilatag ang mga posibleng gawing Contingency Plan at draft protocol kaugnay ng active shooting incident.

“Ito ay isang eye opener sa atin na important yung ganitong exercises siyempre preparation for the security ng bawat isa…Although nakita natin yung efforts ng bawat isa para talagang mai-demonstrate yung isang active shooting, ” pahayag ni Police Major Alonzo Tabi Jr. ng Provincial Police Office.

Sa kabuoan ay naging matagumpay ang Active Shooting Simulation Exercise at inaasahan na mas mapapalakas pa ang hanay ng response unit ng Pamahalaang Panlalawigan.

“Successful ang simulation exercise na ito, but still we have to work out yung mga coordination plan at contingency plan ng capitol. And also additional security protocol especially sa mga high threat incident,” dagdag ni Provincial Legal Officer Atty. Teodoro Jose Matta,