Mainit ang pagtanggap kay Departemnent of Labor and Employment (DOLE) Secretary Sylvestre Bello III ng Pamahalaang Lokal ng Lalawigan ng Palawan at Lungsod ng Puerto Princesa.
Ang Kalihim ay dumating sa lungsod noong ika- 13 ng Setyembre taong kasalukuyan at agad din itong bumalik ng kamaynilaan bago matapos ang araw.Sa kanyang pagbisita sa lalawigan ng Palawan, marami itong naging appointments sa Pamahalaang Panlungsod at Pamahalaang Panlalawigan.

Unang tumungo si Sec. Bello sa Puerto Princesa City Hall upang pormal na makipagkita kay Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron at naroon ay isinagawa ang Unveiling Ceremony of the DOLE Palawan Field Office and One-stop Shop for OFWs sa pagitan ng DOLE at City Government of Puerto Princesa.

Sa ginanap na signing of Memerandum of Agreement (MOA) ay nagbigay ng lugar na pagtatayuan ng tanggapan ng DOLE kung saan ang mga ilang ahensiya ng pamahalaan ay madali na makakapag proseso ng mga dokumentong kinakailangan dito sa lungsod at lalawigan ng Palawan para sa mangagawang Palaweno na nais magtrabaho sa ibang bansa.

Sa pagbisita ng Kalihim sa Gusaling Panlungsod ng Puerto Princesa ay sinundan ito ng isang programa na ginanap sa VJR Hall, Gusaling Kapitolyo. Sa pagdating nito sa Kapitolyo ay sinalubong ito ni Gob. Jose Ch. Alvarez at ginanap ang Ceremonial Signing of Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan at DOLE para sa Anti-illegal Recruitment and Trafficking-in-Persons Convergence on Local Government Units (LGUs) Campaign.

Pangunahing layunin ng Kalihim kung kayat kanyang tinungo ang lalawigan ng Palawan ay dahil sa usapin patungkol sa illegal recruitment, human trafficking na patuloy na lumalala sa bansa at iba pang usaping patungkol para sa mga manggagawa.

Naroon din sa isinagawang programa si Hon. Frederick Abueg, Congressman ng Ikalawang Distrito ng lalawigan ng Palawan at nagbigay ng maikling mensahe ng pasasalamat para sa kalihim.
Sa mensaheng ibinigay ni G. Hans Leo Cacdac, Administrator ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ay nag-iwan ito ng kataga para sa mga dumalong Palaweno sa ginanap na programa na Maging Matalino…Huwag magpaloko!