BASAHIN: BOARD MEMBER ZABALLA, DUMALO SA UNESCO WORLD NETWORK OF ISLAND AND COASTAL BIOSPHERE RESERVES (WNICBR) 11TH NETWORK MEETING SA BANSANG AUSTRALIA

Dumalo si Liga ng mga Barangay President at Ex-Officio Member Ferdinand P. Zaballa ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan bilang kinatawan ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) sa isinasagawang UNESCO World Network of Island and Coastal Biosphere Reserves (WNICBR) 11th Network Meeting na ginaganap mula Setyembre 03-08, 2023 sa K’gari Queensland, Australia.

Sa naturang pagpupulong ay iprinisinta ni Board Member Zaballa ang mga epekto at kasalukuyang suliranin ng turismo ng Palawan hinggil sa Palawan Biosphere Reserve bilang isa sa pinakamagandang lugar sa bansa.

Si Zaballa ang kasalukuyang Vice Chairman ng PCSD habang si Gob. V. Dennis M. Socrates naman ang tumatayong Chairman.

Samantala, ang UNESCO WNICBR 11th Network Meeting ay isang pagtitipon na naglalayong pagtibayin ang ugnayan at koordinasyon ng mga katuwang na komunidad, institusyon, at mga indibidwal sa buong mundo upang pangalagaan ang mga World Network of Biosphere Reserves (WNBR) gayundin upang talakayin ang mga napapanahong isyu ukol sa kalikasan at kaligtasan ng biosphere reserves.