TINGNAN: LICENSE TO OWN AND POSSESS FIREARMS (LTOPF) CARAVAN, ISASAGAWA SA KAPITOLYO NGAYONG SETYEMBRE
Nakatakdang isagawa ang License to Own and Possess Firearms (LTOPF) Caravan sa loob ng limang araw mula Setyembre 11-15, 2023 na gaganapin sa PGP Convention Center sa kapitolyo bilang bahagi ng mga aktibidad sa pagdiriwang ng 123rd Philippine Civil Service Anniversary ng mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan.
Ang nasabing aktibidad ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Regional Civil Security Unit (CSRU-4B) at ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Government Security Services (PGSS) at Provincial Peace and Order Program (POP) at ng Palawan Provincial Police Office.
Ito ay bukas sa publiko at para sa mga nais na magproseso ng aplikasyon at makapag renew ng LTOPF sa lungsod at lalawigan, narito ang schedule na dapat sundin:
Setyembre 11-13- Provincial Government of Palawan employees at mga gun enthusiast mula sa mga munisipyo sa lalawigan Setyembre 14-15- para naman sa mga gun enthusiast mula sa lungsod ng Puerto Princesa.
Para sa mga bagong aplikasyon, ihanda ang mga sumusunod na mga dokumento: Application Form, Affidavit of Undertaking, 1 Valid ID, Proof of Income, Proof of Billing, NSO Birth Certificate, Neuro, Drugtest at Gun Safety Seminar Certificate at para naman sa renewal, kinakailangang isumite ang Application Form, Affidavit of Undertaking, 1 Valid ID, Neuro at Drugtest.
Ang LTOPF Caravan ay taunang isinasagawa sa lalawigan ng Palawan para sa mga residente na nais mag renew o mag-apply ng kanilang mga lisensya upang hindi na kinakailangan pang tumungo sa Kamaynilaan ang mga Palaweño at maibsan na rin ang gastos at abala sa pagproseso ng LTOPF.
Isinasagawa din ito upang mamonitor ng Philippine National Police ang bilang ng nagmamay-ari ng baril sa lalawigan ng Palawan.

