ANTI-DRUG PROGRAM 2023, ISINAGAWA NG PROVINCIAL ANTI-DRUG ABUSE PROGRAM SA APAT NA MUNISIPYO SA LALAWIGAN NG PALAWAN
Apat na munisipyo sa lalawigan ng Palawan ang nabahaginan ng kaalaman patungkol sa Anti-Drug Program 2023 kabilang ang Linapacan, Coron, Busuanga at Culion na personal na tinungo ng mga kawani ng Provincial Anti-Drug Abuse Program (PADAP) ng Pamahalaang Panlalawigan nitong nakalipas na Agosto 22-25, 2023.
Kabilang sa mga naging partisipante sa nasabing aktibidad ay ang mga Punong Barangay, Barangay Kagawad na Committee Chairman ng Peace & Order, Brgy. Secretaries at iba pang representante mula sa mga lokal na sektor.
Naging katuwang naman ng PADAP sa pagsasakatuparan ng Anti-Drug Program 2023 ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Philippine National Police- Municipal Police Stations (PNP-MPS) na nagsilbing tagapagsalita at tumalakay sa mga sumusunod na topiko: Orientation on CBDRP, SBIRT & ASSIST; Orientation on the duties & functions of Barangay Duty Officers; Orientation on Drug-Free Workplace; Celebration of IDADAIT & Compose a Song Singing Contest; Implementing Guidelines on the Community-Based Drug Rehabilitation Program per DILG Memorandum Circular No. 2023-125; Drug Free Workplace Program; Barangay Drug Clearing Updates, at Updates on the Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan.
Layunin ng programa na mapalakas pa ang kampanya upang tuluyang maiwasan ng mga mamamayan ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Samantala, lubos naman ang suporta at hangarin ni Gob. V. Dennis M. Socrates bilang PADAC Chairman sa lalawigan na lalo pang paigtingin ang mga programa at kampanya ng PADAP na pinamumunuan ni Program Manager Eduardo Modesto Rodriguez upang tuluyang makamit ng Palawan ang pagiging isang drug-free province.
Maliban dito, patuloy din ang mga isinasagawang Training/Orientation Against Drug Abuse and Illicit Trafficking ng PADAP sa iba’t ibang munisipyo sa lalawigan.
Photos: PADAP

