LONGEST COASTAL CLEAN UP, ISINAGAWA SA BAYAN NG SAN VICENTE
LONGEST COASTAL CLEAN UP, ISINAGAWA SA BAYAN NG SAN VICENTE
Matagumpay na naisakatuparan ang Longest Coastal Clean Up na isinagawa sa limang mga barangay sa bayan ng San Vicente nitong Setyembre 18, 2023.
Ang aktibidad ay inisyatibo ng Megaworld San Vicente Coast Town, Inc. na sinuportahan ng Lokal na Pamahalaan ng San Vicente sa pangunguna ni Mayor Amy R. Alvarez at sabayang isinagawa sa mga barangay ng Kemdeng, Poblacion, New Agutaya, San Isidro at Alimanguan.
Ayon kay Mayor Alvarez, mahalaga umano ang pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang bayan na isa sa mga nangungunang tourist destinations sa bansa kaya’t madalas ang pagsasagawa ng ganitong aktibidad.
“For us, we really want San Vicente clean and green, hindi lang sana dito, pati na rin sa buong Palawan at sa buong bansa.”
Sa tala ng LGU San Vicente, umaabot sa humigit isang libong volunteers ang nakiisa sa isinagawang Coastal Clean Up na nakakolekta ng halos isang toneladang mga basura.