MULTI-SECTORAL FORUM ON WEST PHILIPPINE SEA, ISINAGAWA

Matagumpay na naisakatuparan ang Multi-Sectoral Forum on West Philippine Sea na ginanap sa SM City, lungsod ng Puerto Princesa nitong nakalipas na Setyembre 21, 2023.

Layunin ng aktibidad na makapagbigay ng kaalaman lalo na sa mga kabataan kaugnay sa sa West Philippine Sea (WPS) gayundin ang mga isinasagawang development dito ng pamahalaan.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng KADRE Palawan na sinuportahan naman ng Provincial Peace and Order Program (POP) ng Pamahalaang Panlalawigan at iba pang mga pampubliko at pribadong ahensya.