PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG PALAWAN AT NATIONAL CENTER FOR MENTAL HEALTH, NILAGDAAN ANG MEMORANDUM OF UNDERSTANDING SA PAGSUSULONG NG SPS CARES SA LALAWIGAN

Pormal nang nilagdaan ang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng National Center for Mental Health (NCMH) at Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan kaugnay ng programang Sugpuin Iligal Na Droga: Palaweño’y Aasenso, Susulong sa Progreso- Community Aftercare and Reintegration Enhancement for Sustainability (SPS-CARES) nitong nakalipas na Nobyembre 20, 2023 sa ginanap na ceremonial MOU signing sa pamamagitan ng online virtual platform sa PEEDO Conference Room ng kapitolyo.

Ang paglalagda ay pinangunahan ni Gob. V. Dennis M. Socrates sa panig ng Pamahalaang Panlalawigan at ni NCMH Medical Chief II Dr. Noel V. Reyes ng National Center for Mental Health. Lumagda rin sa ceremonial signing si SPS CARES– PADAP Program Director Eduardo Modesto V. Rodriguez. Naging saksi naman sa paglalagda sina SPS CARES Program Manager Bernadetta Tejada, mga kawani ng naturang programa at tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan na may kaugnayan sa aktibidad gayundin ang mga doktor sa panig ng naturang ospital.

Ang NCMH ay isang Special Research Training Center at nangungunang mental health facility sa bansa na pinamamahalaan ng Department of Health (DOH). Ang paglalagda sa Memorandum of Understanding ay magbibigay daan sa mabuting samahan sa pagitan ng Provincial Government at ng nabanggit na ospital upang bigyang kaalaman at kakayahan ang mga kawani ng programa sa pamamagitan ng technical assistance at pagsasagawa ng mga trainers training gayundin ang pagtugon sa pangangailangang medikal ng mga kliyente nito lalo na ang mga Persons Who Use Drugs (PWUDs) with comorbidities sa lalawigan para sa epektibong pagsusulong ng Community Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP).

Pinasamalamatan naman ni Gob. Socrates at Program Director Rodriguez ang pakikipagtulungan ng NCMH sa Pamahalaang Panlalawigan gayundin sa mga kaalaman na maibabahagi nito upang mas maging epektibo ang pagsusulong ng mga layunin at pagbibigay serbisyo ng programa sa Palawan.

“We are so blessed to have a collaboration with the National Center for Mental Health because we are expecting NCMH will capacitate the Provincial Government through the SPS CARES, not only in capacitating the employees and persons of SPS CARES but also our PWUDs Community in the Province of Palawan. We do hope and pray, with the conduct of trainers training by cascading the program related to mental health issues, we will truly address whatever mental issues and problems that we face in the province of Palawan… Sa ngalan po ng aming Governor Victorino Dennis Socrates , we look forward for the stronger ties with the National Center for Mental Health,” ani Rodriguez.