BAGONG HALAL NA SK FEDERATION PRESIDENT LUZVIMINDA L. BAUTISTA, NANUMPA SA KATUNGKULAN BILANG EX-OFFICIO MEMBER NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN
Opisyal nang nanumpa sa katungkulan si Sangguniang Kabataan (SK) Federation President Luzviminda L. Bautista bilang ex-officio member ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan sa ginanap na regular na sesyon ng ika-44 Sangguniang Panlalawigan ngayong araw, Disyembre 5, 2023.
Matatandaang isinagawa ang oryentasyon para sa Panlalawigang Pederasyon ng mga Sangguniang Kabataan at eleksiyon ng mga opisyales nito noong nakalipas na Nobyembre 28, 2023 sa VJR Hall ng gusaling kapitolyo kung saan nailuklok bilang bagong Federation President si Bautista mula sa bayan ng Rizal. Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng mga miyembro ng Sangguniang Kabataan mula sa lahat ng munisipyo sa lalawigan ng Palawan.
Si BM Bautista ay uupo bilang ex-officio member sa Sangguniang Panlalawigan bilang kapalit ni dating SK Federation President Anyatika R. Rodriguez.
Samantala, ang naturang panunumpa ay pinangunahan ni Bise Gobernador Leoncio N. Ola na siya ring presiding officer.

