GOB. SOCRATES, DUMALO SA JOINT MEETING NG PROVINCIAL PEACE AND ORDER COUNCIL AT PROVINCIAL TASK FORCE TO END LOCAL COMMUNIST ARMED CONFLICT KAHAPON

Dumalo si Gob. V. Dennis M. Socrates bilang Chairman sa isinagawang Joint Meeting ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) at Provincial Task Force To End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) na ginanap nitong Disyembre 12, 2023 sa VJR Hall ng kapitolyo.

Nagsilbi namang presiding officer si PCSD Executive Director Atty. Teodoro Jose S. Matta katuwang si Department of the Interior and Local Government Provincial Director Virgilio L. Tagle.

Ilan sa mga tinalakay sa pulong ay ang situational update ng Internal Security, Anti-Illegal Drugs Operations/Activities, Poverty Reduction, Livelihood and Employment, Local Government Empowerment, Basic Services, Localized Peace Engagement, E-CLIP and Amnesty Program, Infrastructure Resource Management and Employment, at Strategic Communication Cluster.

Layunin ng PPOC at PTF-ELCAC na manatili ang kapayapaan sa lalawigan ng Palawan upang patuloy na maisulong ang mga serbisyo at programa na inilalatag ng pamahalaan para sa mga mamamayan.