ORIENTATION ON WOMEN PROTECTION LAWS, ISINAGAWA SA BAYAN NG BATARAZA BILANG BAHAGI NG 18-DAY CAMPAIGN ON VIOLENCE AGAINST WOMEN

Matagumpay na naisakatuparan ang Orientation on Women Protection Laws: RA 11862 at RA 9262 for Community Leaders, Tourism Sector and other Stakeholders na ginanap sa Barangay Buliluyan sa bayan ng Bataraza nitong nakalipas na Disyembre 11, 2023.

Ito ay bahagi pa rin ng pagsuporta sa 18-Day Campaign on Violence Against Women sa pamamagitan ng inisyatibo ng Provincial Inter-Agency Council Against Trafficking and Violence Against Women and their Children and Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials o PIACAT-VAWC-OSAEC-CSAEM na pinangungunahan ni Governor V. Dennis M. Socrates bilang Chairman.

Ang aktibidad ay personal na dinaluhan nina PSWD Officer Abigail D. Ablaña, Assistant Provincial Legal Officer Atty. Mary Joy Ordaneza-Cascara, Atty. Christine N. Aribon, Provincial Tourism Officer Maribel C. Buñi at mga representante mula sa iba’t ibang mga ahensya na miyembro ng konseho.

Kasabay din ng orientation ay isinagawa ang installation ng Anti-Trafficking in Persons IEC signages/materials upang mas mapalaganap pa ang impormasyon na malabanan ang human trafficking sa lalawigan.