provincial health office, nagbigay ng paalala ngayong panahon ng matinding init
Bilang pagtugon sa direktiba ni Gob. V. Dennis M. Socrates na panatilihin ang maayos na kalusugan ng mga PalaweΓ±o, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pamamagitan ng Provincial Health Office (PHO) ay nagbigay ng ilang paalala sa mga dapat at hindi dapat gawin ngayong mainit na panahon.
Matatandaan na base sa tala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, isa ang lalawigan ng Palawan ngayon sa may pinakamataas na heat index na umaabot ng 40-45 degrees Celsius.
Base sa impormasyong nakasaad sa website ng PAG-ASA, ang heat index na mula 41 hanggang 54 degrees Celsius ay posibleng magdulot ng βdanger heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.β
Narito naman ang ilan sa mga tips na dapat tandaan upang maprotektahan ang sarili laban sa sobrang init:
1. Iwasang lumabas ng bahay lalo na kung matarik ang araw o magbilad sa araw.
2. Magsuot ng mga preskong damit (sando, sleeveless) at light-colored na damit.
3. Uminom ng maraming tubig.
4. Magdala ng payong kung lalabas ng bahay.
5. Maglagay ng sunscreen sa mukha at balat bilang proteksyon sa harmful UV rays na maaaring magdulot ng sakit sa balat.
5. Hinay-hinay sa pag-inom ng alak at kape dahil ayon sa mga health experts, may epekto ito sa kakayahan na i-regulate ang temperatura ng katawan.
