TURNOVER OF AGRICULTURAL INPUTS UNDER THE CASHEW REHAB AND RICE PROGRAM FOR THE FARMERS ASSOCIATION OF ROXAS, ARACELI AND DUMARAN

Turnover of agricultural inputs under the Cashew Rehab and Rice program for the farmers association of Roxas, Araceli and Dumaran at People’s Park Dome,Roxas,Palawan on April 12, 2024.

Pinasimulan ng isang banal na misa ang pagbabahagi ng mga kaukulan kagamitan para sa pagtataguyod ng rehabilitasyon ng mga Kasuyan sa bayan ng Roxas at pagpapaunlad ng sakahan ng palay sa bayan ng Araceli at Dumaran.

Ang programa ay itinataguyod ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gov V. Dennis M Socrates at Vice Gov Leoncio Ola sa ilalim ng Panlalawigan Opisina ng Agrikultura ng Palawan. Nais matugunan ng program ang kasapatan sa pagkain at pagpapataas ng antas ng produksyon ng Palay at kasuy maging ang kita ng magsasaka sa lalawigan ng Palawan.

Dumalo sa nasabing turnover ceremony ang kinatawan ni Gov. Dennis M. Socrates na si Ms. Beth Sabando, BM Angela Sabando na kumakatawan din kay Mayor Dennis Sabando, kinatawan ni BM Winston Arzaga at si Dr. Benny del Rosario ang Municipal Agriculturist ng Roxas.

Ang mga benepisyaryo ng Cashew Rehabilitation Program ay ang samahan ng cashew farmers sa Barangay Tibetan, Jolo, San Miguel, Nicanor Zabala, Caramay, Mendoza, Tumarbong, San Isidro at Tumarbong sa bayan ng Roxas samantalang ang samahan ng magsasaka sa Balogo, Mauringen, Taloto, at San Jose de Oro sa bayan ng Araceli at samahan ng magsasaka sa Sto. Tomas Dumaran ang mga Benepisyaryo ng Rice Production Program.

Labis ang pasasalamat ng mga tumanggap ng mga gamit, pataba at iba pa sa Pamahalaan Panlalawigan sa pangunguna ng ating Gov. Dennis M Socrates. at Vice Gov. Onsoy Ola kasama ang mga myembro ng Sangguniang Panlalawigan.

PAgOpalawanonthego

parasakaunlaranngagrikulturaatpangisdaanngpalawan