GOB. DENNIS SOCRATES, NAKIISA SA PALAWAN PHILIPPINE EXPERIENCE CARAVAN

β€œThis is very historic momentous event, this is also the beginning, we are about to see tourism begin in southern Palawan, hindi na lamang sa northern Palawan ang turismo. Salamat dahil mayroon tayong DOT Secretary [Frasco] na tumitingin sa southern Palawan… ngayon ay simula na ang pag-usbong ng industriya ng turismo sa southern Palawan,” ito ang naging mensahe ni Gob. V. Dennis M. Socrates bilang panauhing pandangal sa ginanap na Palawan Philippine Experience: Culture, Heritage and Arts Caravan sa Tabon Cave Complex and Lipuun Point sa bayan ng Quezon nitong Abril 12, 2024.

Ang naturang aktibidad ay inisyatibo ng Department of Tourism (DOT) na may layuning maipalaganap ang kahalagayan ng sining, kultura at tradisyon ng bawat komunidad sa Pilipinas.

β€œI’m very happy to have found my way here in southern Palawan to fully appreciate and immerse in the wealth of heritage that the thousands of years of existence of our ancestors proof. The purpose of the Philippine Experience program is precisely to give emerging and lesser known destinations an opportunity to get assistance from the national government as far as tourism development and promotions,” ani DOT Secretary Christina Frasco.

Ipinamalas din sa naturang aktibidad ang iba’t ibang tradisyon at sining ng mga katutubong pamayanan sa Palawan.

Makikita naman sa mga booth na inilagay ang iba’t ibang lokal na pagkain at produktong gawa ng mga munisipyo sa sur ng lalawigan.

Samantala, nakiisa sa naturang aktibidad ang ilang kawani ng Pamahalaang Panlalawigan, lokal na opisyales at kinatawan ng mga lokal na pamahalaan ng Aborlan, Narra, Quezon, Rizal, Brooke’s Point, Sofronio EspaΓ±ola, Bataraza at Balabac, at ilang social media influencers at vloggers.