PALARONG PANLALAWIGAN, OPISYAL NANG SINIMULAN

Opisyal nang sinimulan nitong Abril 14, 2024 ang Palarong Panlalawigan 2024 na kasalukuyang ginaganap sa Narra Sports Complex sa bayan ng Narra, Palawan.

Ang halos isang linggong aktibidad ay sinimulan sa pamamagitan ng makulay at masiglang opening program na personal na dinaluhan ni Gob. V. Dennis M. Socrates kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at ilang Department Heads ng kapitolyo bilang pakikiisa at pagpapakita ng lubos na suporta sa mga atleta ng lalawigan.

Ang Provincial Meet ngayong taon ay may temang: “Harmony in Motion: Uniting Community Through Sports” na nilalahukan ng libu-libong mga atletang Palaweรฑo mula sa 23 munisipyo ng lalawigan na kasalukuyang nagtatagisan ng galing sa iba’t ibang sporting events ng palaro na magtatagal hanggang sa ika-19 ng Abril.

Masaya po ako sapagkat ang palarong pampalakasan ay bahagi ng ating paghubog sa ating mga kabataan. Ang hinuhubog natin hindi lamang ang lakas ng pangangatawan kundi paghubog din sa kabuting asal at sa pangkaloobang bertud gaya ng lakas ng loob ng pagiging mapagpasensiya, ng pakikisama at pakikipagkaibigan sa kapwa. Ngunit higit pa riyan, masaya rin ako na kasama ako ngayon sapagkat ang Palarong Panlalawigan ay isa sa ilan pang pagkakataon upang magkita-kita ang lahat ng bayan ng lalawigan dito sa bayan ng Narra upang pagtibayin ang ating solidarity bilang sambayang Palaweรฑo,” bahagi ng mensahe ni Gob. Socrates.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay lumahok naman sa Palarong Panlalawigan ang delegasyon ng Bayan ng Kalayaan na mayroon lamang mahigit 20 na mga atleta.
Ang opening parade ay aktibong dinaluhan ng mga atleta kasama ang kani-kanilang coaches, trainers at mentors; delegation officials, LGU officials at mga guro mula sa iba’t ibang mga bayan.

Samantala, ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Department of Education (DepEd) Palawan katuwang ang Provincial Sports Division ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan at iba pang katuwang na mga ahensiya ng pamahalaan.