REVERSE OSMOSIS WATER DESALINATION PROJECT NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG PALAWAN, NAGBIBIGAY-SERBISYO NA SA MGA RESIDENTE NG CORON


Nai-turnover na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa Coron Local Government Unit (LGU) ang Reverse Osmosis Water Desalination Project nito sa Tara Island, Coron sa pamamagitan ng Palawan Water Program sa ilalim ng Provincial Governor’s Office (PGO).

Ang naturang proyekto ay isang Level III Water System kung saan gumagamit ng state-of-the-art facility upang magawang malinis at ligtas na tubig-inumin ang tubig mula sa dagat. Kaya nitong mag-suplay ng 36 cubic meter ng malinis na tubig kada araw kaya lubos na nagagalak at nagpapasalamat ang mga residente ng island barangay ng Tara.  

Dagdag pa rito, ang Tara Island Reverse Osmosis Desalination Project ay gumagamit din ng clean energy dahil ito ay solar-powered. May diesel generator din itong back-up power source kapag maulan ang panahon.

Isinagawa ang turn-over ceremony at inauguration ng nasabing water project nitong nakalipas na Mayo 24, 2024 kung saan ito na ang ika-15 Reverse Osmosis Desalination Project sa lalawigan ng Palawan.

Nasimulan ang Palawan Water Program  noong nakaraang administrasyon at ipinagpapatuloy sa pamumuno ni Gob. V. Dennis M. Socrates sa hangaring makapagbigay ng malinis na tubig sa mga Palaweño partikular sa malalayong bahagi ng lalawigan.

Photo courtesy: Palawan Water