Menu
PROVINCIAL GENDER AND DEVELOPMENT OFFICE
MUNICIPALITY OF CUYO
MUNICIPALITY OF MAGSAYSAY
Previous slide
Next slide

408 BENEPISYARYO NG COMMUNITY-BASED GENDER AND DEVELOPMENT LIVELIHOOD ENHANCEMENT PROGRAM NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NA RESIDENTE NG MGA BAYAN NG CUYO AT MAGSAYSAY, TUMANGGAP NG TULONG PANGKABUHAYAN

Umabot sa dalawang-daan at dalawampu (220) na mga benepisyaryo mula sa Bayan ng Magsaysay, at isang daan at walumpu’t walo (188) mula sa Bayan ng Cuyo ang personal na tumanggap ng tulong pangkabuhayan mula sa Community-Based Gender and Development Livelihood Enhancement Program ng Pamahalaang Panlalawigan na nagkakahalaga ng 30,000.00 pesos kada benepisyaryo.

Ipinagkaloob ito ng Provincial Government sa pamumuno ni Gob. Dennis M. Socrates, sa pamamagitan ng Provincial Gender and Development (GAD) office na siyang pangunahing tanggapan na nagsusulong sa nabanggit na programa. Layon nito na mapalakas ang kakayahan ng mga kababaihan na magnegosyo at mapaunlad ang antas ng kanilang kabuhayan.

Ang seremonya ay dinaluhan ng ilang lokal na opisyales ng pamahalaan ng nasabing mga bayan na tumulong sa pagkakaloob ng tulong pangkabuhayan. Bukod pa rito ay nagbigay sila ng kani-kanilang mensahe at lubos na pasasalamat kay Gob. Dennis M. Socrates at sa Pamahalaang Panlalawigan sa pagkakaloob ng nasabing tulong pangkabuhayan para sa mga lokal na residente ng Cuyo at Magsaysay. Nagpaabot din ang mga lokal na pamahalaan ng suporta upang maging katuwang sila ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagsisiguro na magagamit ang mga nasabing tulong sa nararapat na kabuhayan ng mga benepisyaryo at sa pagsulong ng programa para sa ikabubuti ng mas nakararami.

Kabilang sa mga natukoy na proyekto ang pag-aalaga ng baboy (hog raising), pagkakambingan (goat raising) at paggawa ng asin (salt making).