Naging makabuluhan at masaya ang idinaos na Training on Livestock Raising for Goat Farmers sa Bayan ng Roxas kahapon, Agosto 16, 2024 sa pamamagitan ng opisina ng Provincial Gender and Development (GAD) at pakikipagtulungan sa tanggapan ng Provincial Veterinary Office (ProVet).
“Pamatian nyo mayad asta adalen agod di masayang indong effort asta kwarta”- Mayor Dennis Sabando; isang mensahe mula sa Mayor ng bayan ng Roxas kaugnay sa tamang pagaalaga at pagpalalago ng nasabing pangkabuhayan.
Bilang impresyon mula sa isa sa mga partisipante, ibinahagi ni Ginoong Loreto Cahanghan ng Bgy. Abaroan, “pagbutihin natin at paramihin ang ating mga alaga. Para makatulong sa ating pamumuhay pinansyal man o usaping kasanayan”.
Kaugnay sa nasabing training, inihabilin ng ating Gobernador Dennis M. Socrates na makipagugnayan lamang sa opisina ng ProVet kung nangangailangan ang ating mga kasimanwa ng propesyonal na kaalaman kaugnay sa tamang pangangalaga ng kambing, baboy o anumang hayop.
“Pagbutihin natin ang tamang pangangalaga lalo na ng mga hayop na maaaring makatulong sa ating kabuhayan upang maprotektahan din natin ang kanilang kalusugan at ang ating pangkabuhayan. Paigtingin ang pagbabantay sa banta ng African Swine Fever o ASF. Maging maingat at mapanuri” -Doc. Darius Mangcucang.

