ππ π ππ ππ¦ππ’πππ₯ π‘π π£ππ πππππππ‘π π£ππ‘πππππͺππππ‘ π‘π ππ¨π π¨ππ π‘π ππ¨π₯π¦π’π‘π π ππππ¦ππ‘π, π£ππ¦πππ’ π¦π π£ππ¬π¦πππππ‘ πππππ‘π¦π¨π₯π ππ«ππ
Pasado ang labing isang (11) mga iskolar ng Pamahalaang Panlalawigan na kumuha ng kursong medisina sa isinagawang Physician Licensure Examination ngayong buwan ng Oktubre 2024.
Ang 11 nakapasang mga bagong doktor ay sina Dr. NiΓ±a Angela L. Castro ng bayan ng Narra; Dr. Hazel Grace P. Ladica ng Cuyo; Dr. Precious D. Medina at Dr. Sharmaine Kit S. Sagucio ng bayan ng Quezon; Dr. Chianne Quim L. Paredes at Dr. Grezielle S. Valdespina ng Roxas; Dr. Ana Marie S. Molleno Aborlan; at Dr. Jasmin D.MadriΓ±an, Dr. Marion T. Magno, Dr. Cait Raina E. Sendaydiego, at Dr. Princess Monic Q. Velasco ng lungsod ng Puerto Princesa.
Ang nasabing mga iskolar ay kabilang sa 13th batch ng medical scholars sa ilalim ng SPS Alay sa Kabataan – Programang Pang-Edukasyon para sa PalawenΜo na ang pangunahing layunin ay makapagbigay ng tulong sa mga karapat-dapat na mga estudyante na nais kumuha ng kursong medisina at iba pang medical related courses.
Ayon kay SPS Alay sa Kabataan Program Manager Maria Victoria B. Baaco, maliban sa scholarship grant na ipinagkaloob sa mga nakapasang iskolar, lima sa mga ito ay nagkapag-avail din ng Review Assistance mula sa programa na nagkakahalaga ng tig P70,000.00 na ginamit para sa kanilang bayarin sa review at pagkuha ng nabanggit na eksaminasyon.
Samantala, sa ngayon ay may kabuuan ng siyamnapu’t anim (96) na medical scholars ang Pamahalaang Panlalawigan na matagumpay na nakapasa sa nabanggit na eksaminasyon kung saan karamihan sa mga ito ay kasalukuyang naglilingkod sa iba’t ibang mga ospital na pinangangasiwaan ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga munisipyo ng Palawan bilang bahagi ng kanilang Return of Service (ROS).
Hangad ni Gob. Dennis M. Socrates na sa pamamagitan ng nabanggit na scholarship program ay lalo pang mapapalakas hindi lamang ang sektor ng edukasyon kundi gayundin ang sektor ng kalusugan sa lalawigan dahil sa patuloy na pagkakaroon ng karagdagang medical professionals na maglilingkod sa Palawan.

