LALAWIGAN NG PALAWAN, NAKIISA SA OBRA MIMAROPA

Aktibong nakilahok ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa ginanap na Obra MIMAROPA: A Tatak Pinoy Brand Regional Trade Show nitong nakalipas na October 24-27, 2024 sa Glorietta Mall Activity Center, Makati City.

Ang delegasyon ng Palawan ay pinangunahan ni G. Ceasar Sammy A. Magbanua, chief of staff at kasalukuyang program manager ng Culture and Arts Program ng Tanggapan ng Gobernador. Samantala, nakiisa rin sa nabanggit na gawain ang Provincial Tourism Promotions and Development Office (PTPDO) at Provincial Economic Enterprise Development Office (PEEDO) na nagpakita ng kanilang suporta sa mga exhibitors. 
 
Ang paglahok ng Pamahalaang Panlalawigan sa aktibidad na ito ay base na rin sa direktiba ni Gob. Dennis M. Socrates bilang pagsuporta sa mga namumuhunan na kabilang sa Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) sa lalawigan.