π ππ π£π₯π’ππ₯ππ π ππ’π‘π§π₯π π ππππ₯ππ, π£ππ§π¨ππ’π¬ π‘π π£ππ‘πππππ§ππ‘π π‘π π£π₯π’π©ππ‘ππππ πππππ§π π’πππππ
Patuloy na pinaiigting ng Provincial Heath Office sa pamamagitan ng Kilusan Ligtas Malaria (KLM) ang mga programa kontra malaria para sa kapakanan ng mga PalaweΓ±o, ito ay upang makamit ng Palawan ang Malaria-Free sa taong 2026.
Sa tala ng KLM, umabot na sa libo-libong kaso ang naitala mula Enero-Nobyembre ngayong taon kung saan 80% nito ay mga katutubo.
Samantala, patuloy rin ang isinasagawang kampanya ng PHO katuwang ang ibaβt ibang ahensya sa Palawan upang maibaba ang kaso ng naturang sakit tulad ng malaria awareness campaign, indoor residual spraying, pamamahagi ng long-lasting insecticidal nets, gayundin ang malaria blood smearing test.
Nagbigay paalala rin ang KLM sa mga dapat tandaan at gawin upang maiwasan ang sakit na ito, (1) Gumamit ng kulambong itinubog sa insecticide ang gamitin sa pagtulog gabi-gabi; (2)Bloodsmear agad kahit may sinat lang o galing sa lugar na may Malaria; (3) Tama at maagang gamutan para sa mabilis na paggaling.
Dagdag pa rito, ugaliing magsuot ng damit na may mahabang manggas (longsleeves), pajama o pantalon, maglagay ng mosquito repellent, maglinis ng paligid at siguraduhing walang mga lugar na pwedeng pamahayan ng lamok.
Nakatakda namang isagawa ang Provincial Malaria Congress sa darating na Nobyembre 26 ngayong taon bilang bahagi sa paggunita ng Malaria Awareness Month. Layunin nitong mailatag ang estado ng malaria sa lalawigan at ang mga aksyon na isasakatuparan upang tuluyang makamit ang Malaria-Free Palawan.




