LIMANG PROYEKTONG IMPRASTRAKTURA NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN PINASINAYAAN SA BAYAN NG BROOKES POINT,PALAWAN

Personal na dinaluhan ni Gob. Dennis M. Socrates ang pagpapasinaya at blessing ng limang proyektong imprastruktura ng pamahalaang panlalawigan sa bayan ng Brooke’s Point noong, Enero 8, 2025.

Kabilang sa mga bagong proyektong pinasinayaan ay ang Concreting ng Suling-Lada Road sa Barangay Pangobilian; Construction ng 4-Storey Medical Arts Building sa Southern Palawan Provincial Hospital; Construction ng 1-Barrel Reinforced Concrete Box Culvert na may PCCP Approach Slope at Protection na matatagpuan sa Barangay Amas; Repair at Rehabilitation ng Bridge Slope Protection sa Barangay Saraza at ang Groundbreaking ng Coast Guard Training Barracks sa Barangay SamariƱana.

Samantala, ang mga proyektong ito ay bahagi ng P400 milyong halaga ng mga proyektong pang-imprastraktura na isinagawa sa bayan ng Brookes Point, sa pangunguna ng Provincial Engineering Office.

Ito rin ay magbibigay ng malaking benepisyo sa mga residente ng naturang munisipyo, kabilang na ang pagpapabuti ng kalusugan, imprastruktura, at seguridad sa kanilang komunidad na siyang pangunahing isinusulong ni Gob. Socrates.