PATULOY NA PAGTUPAD SA TUNGKULIN NG MAY INTEGRIDAD, MENSAHE NI GOB. SOCRATES SA MGA OPISYAL NG PALPPO

Binigyang-diin ni Gob. Dennis M. Socrates ang kahalagahan ng patuloy na pagtupad sa tungkulin ng may integridad at pagiging tapat sa serbisyo, sa ginanap na taunang New Year’s Call ng Palawan Provincial Police Office (PALPPO) sa Kapitolyo noong Enero 7, 2025.

“Sa gobyerno, kapag pangunahin ang katarungan, kasunod nito ang kabutihang panlahat. Tuparin ang katungkulan ng maayos, mamuhay nang moral, at pakinggan ang dikta ng konsensya upang maging mabuting tao.” Ani Gob. Socrates.
 
Bahagi ng isinagawang programa ang pagpapakilala sa mga bagong itinalagang hepe ng bawat municipal police stations sa Palawan gayundin si PALPPO Officer-In-Charge P/Col Joey Casupanan bilang bagong hepe nito. Ang naturang aktibidad ay dinaluhan rin ng ilang opisyal at kawani ng naturang ahensiya.

Samantala, bilang suporta sa mga adhikain ng ahensiya ay nagbigay din ng mahalagang mensahe sina Peace and Order Program Director Atty. Lara Mae O. Cacal sa pamamagitan ni Atty. Ronel U. Liao, Executive Assistant IV at Bantay Palawan Program Director P/BGen. Reynaldo B. Jagmis (Ret.)

Ang New Year’s Call ay isang taunang tradisyon ng PALPPO sa Pamahalaang Panlalawigan na naglalayong pagtibayin ang ugnayan ng kapulisan at ng pamahalaang panlalawigan. Layunin nito na magkaisa ang dalawang ahensiya sa pagbabalangkas ng mga programa at inisyatibo para sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad ng Palawan.