EPEKTIBO AT MAHUSAY NA PAGTATASA NG MGA REAL PROPERTIES SA PALAWAN, PINAIGTING NG PROVINCIAL ASSESSOR’S OFFICE

 

Sa layuning  mas lalong mapabuti ang revenue generation ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa nakalipas na taong 2024, naging pursigido ang Provincial Assessor’s Office (PAssO) sa pagpapatupad ng mga epektibo at mabisang paraan para sa  appraisal at assessment ng mga ari-ariang hindi natitinag o real properties sa lalawigan.

Sa ilalim ng Local Revenue and Resource Mobilization Program ng  PAssO, umabot sa 20,522  tax declarations ang naiproseso nito mula sa  mga walk-in clients, isinumiteng field appraisal and assessment sheets mula sa municipal assessor at resulta ng ocular/field inspections sa mga real properties sa buong lalawigan. Nakapagsagawa rin ng 64 field ocular inspections sa mga real property units (RPUs) sa iba’t ibang munisipyo para sa assesment o re-assessment/validation.

Nakapagtala ng kabuuang P27,369,145,090.00 Taxable Assessed Valuation ang lalawigan noong Disyembre 31, 2024 kung saan nahigitan nito ang 5% na target. Sa pakikipagtulungan ng  PAssO sa Tanggapan ng Ingat Yaman, nakapagtala naman ito ng  P4,038,845.01 Total Revenue Generated from Assessment Documents issuances and late Filing of Sworn Statement and Processing Fees.
Nakapagsagawa rin ng Tax Assessment Information and Education Campaign sa mga munisipyo ng lalawigan kabilang rin ang Tax Amnesty alinsunod sa Real Property Validation and Assessment Reform Act (RPVARA); LGU capacity building sa pamamagitan ng seminars at training na isinagawa ng BLGF; mga pagpupulong ng Provincial Appraisal Committee (PAC).

Upang mapanatili ang maayos na record system ng tanggapan ay nagsagawa ng updating ang Assessment Records Management nito at masusing pag-analisa sa Approval of Assessment Transactions. Tumalima rin sa court hearings/video conference hearing ang opisina  kaugnay sa mga subpoena na kanilang natanggap. Nadagdagan naman ng Php1,959,469,353 mula Enero hanggang Disyembre2024 ang Total Taxable Assessed Value (TAV)  na  Php27,369,145.00 mula sa kanilang reviewed/evaluated at  uploaded Report on Real Property Assessment mula sa 23 municipal assessors para sa e-SRE LIFT System ng BGLF.

Ilan pa sa kanilang  naisakatuparan ay ang mga special projects gaya ng Assessment Record Enhancement Program; Massive Validation/Assessment of RPUs; Enhanced Tax Revenue Assessment and Collection System (E-TRACS) Program at RPTA General Revision Project.

Patuloy rin ang supervision at monitoring sa mga municipal assessor kabilang na ang pagkakaloob ng incentives at awards sa Most Outstanding Municipal Assessors sa Palawan.
 
Sa pangunguna ni Provincial Assessor Euvica M. Colbe ay nakamit ng PAssO ang Compliance in the Submission of Schedule of Market Values (SMV) sa taong 2024. Ginawaran ang tanggapan bilang Rank 1 sa Compliance in the Submission of LGU Reports gayundin sa Taxable Assessed Value at Rank 2 sa Year-on Year Growth Rate in Total Assessed Value  sa Year-End Assessment for Treasury and Assessment Operations for CY 2024 at Awarding of Top Performing LGUs in MIMAROPA Region na ginanap noong November 25-29 2024.