SERBISYONG LISTO, MATATAG AT PANATAG NA PALAWAN MULA SA PROVINCIAL DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT OFFICE SA TAONG 2024
Sa patuloy na pagtataguyod ng mga programa na nakatuon sa Disaster Prevention, Preparedness, Response at Rehabilitation ng Palaweño ay maayos na nagampanan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ang kanilang mandato para sa taong 2024 upang mapanatiling Listo, Matatag at Panatag ang lalawigan ng Palawan.
Isa ito sa binigyang prayoridad sa ilalim ng pamunuan ni Gob. Denis M Socrates,l upang tiyakin ang kaligtasan at malasakit sa mga Palaweño kung kaya’t sa pamamagitan nito ay nakamit ng Palawan sng Gawad Kalasag Award na beyond Compliant para sa taong 2024.
Samantala, ilan sa mga programa at proyektong naisakatuparan ng PDRRMO ay ang mga sumusunod: Community at Coastal Clean-Up Drive; Municipal Wide Simultaneous Declogging Waterways; Flood Hazzard Asessment; National Disaster Resilience Month; Radio Program at mga pagsasanay kabilang ang Basic DRRM Orientation; Incident Command System Position Course; Basic Life Support and First Aid; Event Safety, Security and Crowd Management Orientation; Fire fighting Training; Basic Home Emergency; Rapid Damage Assesment and Needs Assessment; Water Search and Rescue; Logistic Management in Emergency Training; Mountain Search and Rescue; Open Water Driver Course; Management of the Dead and Missing Persons Training; at Open Water Drive Course.
Samantala matagumpay din na naisakatuparan ang DRRM Summit 2024 na dinaluhan naman ng iba’t ibang ahensya sa Palawan gayundin ang pagtutok sa Disaster Rehabilitation at Recovery, nitong nakaraang taon din sumahimpapawid ang opisyal na radio station ng Pamahalaang Panlalawigan – ang Palawan Island Network.
Nagsagawa rin ng benchmarking activity sa ilang lugar sa bansa upang madagdagan ang kaalaman ng mga DRRMO sa Palawan kabilang ang mga lalawigan ng Quirino, Lungsod ng Santiago, Cauayan, Quezon at Pasig.
Ang mga inisyatibong ito ay patunay lamang sa hangarin ng Pamahalaang Panlalawigan sa isang Listo, Matatag at Panatag na Palawan.

