Pagdiriwang ng National Women’s Month sa Palawan Del Sur, Sinimulan sa Pamamahagi ng Livelihood Financial Assistance
Pormal na binuksan ng Provincial Gender and Development (GAD) Office, katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), ang pagdiriwang ng National Women’s Month sa lalawigan ng Palawan. Isa sa mga tampok na aktibidad ng selebrasyon ay ang Awarding of Livelihood Financial Assistance na isinagawa sa iba’t ibang munisipyo sa lalawigan. Pinangunahan ng mga kawani ng Provincial Gender and Development (GAD) Office at ng kinatawan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), ang programa na isinagawa mula Marso 3 hanggang 5 ng kasalukuyang taon. Sa naturang aktibidad, kabuuang 278 na benepisyaryo mula sa anim na munisipyo — Quezon, Rizal, Bataraza, Brooke’s Point, Narra, at Aborlan — ang nakatanggap ng tulong-pinansyal para sa kanilang kabuhayan. Sa bilang na ito, 76 ang inendorso ng PSWDO, kabilang ang mga kababaihang nangangailangan ng suporta, tulad ng mga Adolescent Mothers at mga benepisyaryo ng Bahay Pag-asa Youth Center at Luwalhati Women Center.
Nagpaabot naman ng makabuluhan at inspirasyonal na mensahe
sina PSWDO Department Head Ms. Abigail D. Ablaña at Governor Dennis M. Socrates
sa lahat ng benepisyaryo, na nagbigay ng pag-asa at lakas ng loob sa kanilang
pagsisimula ng bagong oportunidad para sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan.
Ang naturang inisyatiba ay bahagi ng patuloy na pagsisikap
ng pamahalaang panlalawigan sa pangununa ni Gov. Dennis M. Socrates upang
matulungan ang mga kababaihan sa buong lalawigan ng Palawan na mapaunlad ang
kanilang kabuhayan at mapatatag ang kanilang pamumuhay.