MGA PRODUKTO AT PASYALAN SA PALAWAN, IBINIDA SA 10TH INTERNATIONAL TRAVEL FESTIVAL 2025
Aktibong nakilahok ang lalawigan ng Palawan sa tatlong araw na selebrasyon ng 10th International Travel Festival (ITF) 2025 na idinaos sa Pacific Grand Ballroom ng Waterfront Cebu City Hotel and Casino mula Marso 14-16, 2025.
Tampok dito ang mga produkto at natatanging pasyalan sa lalawigan na nag-aalok ng mga travel deals, discounted flights, at personalized na itinerary.
Ang paglahok ng pamahalaang panlalawigan sa naturang aktibidad ay isang oportunidad upang maipakilala ang lalawigan bilang isang pangunahing destinasyon ng turismo sa buong mundo.
Dinaluhan ito ng Provincial Tourism Promotions and Development Office (PTPDO) bilang kinatawan ng pamahalaang panlalawigan kasama ang mga lokal na pamahalaan (LGUs) sa iba’t ibang munisipyo ng lalawigan gaya ng Coron, San Vicente, Linapacan, at Balabac gayundin ang ilang travel agencies at tourism business operators.



