FARMERS AND FISHERFOLK FORUM, ISINAGAWA SA BAYAN NG CUYO AT MAGSAYSAY

Dinaluhan ng nasa limangdaang (500) mga magsasaka at mangingisda mula sa mga bayan ng Cuyo at Magsaysay ang isinagawang ‘Farmers and Fisherfolk Forum’ na pinangunahan ng Provincial Agriculture Office (PAgO) ng pamahalaang panlalawigan na ginanap sa Cuyo, Palawan nitong nakalipas na Marso 18, 2025.

Tinalakay dito ang kasalukuyang estado ng mga sakahan at pangisdaan gayundin ang mga problemang kinakaharap sa agrikultura bilang pangunahing kabuhayan.

Kasabay nito, nagkaloob ang tanggapan ng iba’t- ibang mga kagamitan gaya ng garden tools, plastic crates, drums, vegetable seeds, seedlings, knapsack electric sprayer at sprinkler.

Pinagkalooban din ang mga fisherfolks at seaweed growers ng kagamitang pangisda at seaweed planting materials tulad ng lambat, lubid, plastic straw at seaweed propagules.

Nagpahayag naman ng lubos na pasasalamat ang mga mangisngisda at magsasaka kay Gob. Dennis M. Socrates sa tulong na kanilang natanggap.