PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, NAKIISA SA GROUNDBREAKING CEREMONY NG 1ST AGRICULTURAL CAMP FOR THE CHILDREN IN CONFLICT WITH THE LAW

Nakiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa groundbreaking ceremony ng Agricultural Camp para sa mga Children in Conflict with the Law (CICL) na ginanap noong Mayo 7, 2025 sa Inagawan Sub-Colony, Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF), lungsod ng Puerto Princesa.

Ang bagong agricultural camp ay magbibigay ng pag-asa sa mga CICL o mga kabataang nagkasala o may paglabag sa batas, sa pamamagitan ng pagpapatupad ng programa at interbensyon tulad ng pagbibigay ng edukasyon, vocational training, psychosocial support, at agricultural work.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Office sa pamumuno ni Secretary Rex Gatchalian kasama ang partner agencies nito kabilang ang Juvenile Justice and Welfare Council (JJWC), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Justice (DOJ), Department of the Interior and Local Government (DILG), Bureau of Corrections (BuCor), Commission on Human Rights (CHR), at Supreme Court of the Philippines.