Menu


Empleyado ng Bataraza District Hospital sumalang sa Gender Sensitivity Training

Ginanap kahapon, huwebes, Mayo 15, 2025 ang Gender Sensitivity Training para sa mga empleyado ng Bataraza District Hospital.
Ito ay itinaguyod ng mga tagapagsanay ng Provincial Gender and Development Office upang pagpapaunlak sa imbitasyon ng nasabing Ospital bilang bahagi ng kanilang ginanap na Team Building (Character Development Program) sa La Corbel Beach Resort, Bgy. Binduyan, Lungsod ng Puerto Princesa.

Isa sa mga naging paksa ng talakayan ang pagpapahalaga sa mga kalalakihan at grupo ng LGBTQIA+. Habang nasa gitna ng masiglang talakayan, naging tampok ang pagbibigay diin ng isang partisipante hinggil sa nais nito na sana’y kilalanin ang mga paghihirap at pagsubok na nararanasan maging ng mga kalalakihan at ng mga nasa grupo ng LGBTQIA+. Aniya, ang GAD ay para sa lahat, anuman ang Gender, anuman ang paraan ng pagpapahayag nito sa kanyang sarili.

Pantay na oportunidad at pagkilala sa kakayahan ng mga kababaihan ang nilalayon ng GAD kasabay din ang malawak na pangunawa sa usapin ng kasarian.

Bilang konklusyon, ang pagkilala sa mga batas na pumoprotekta sa mga kababaihan ay naihayag gayun din ang mga konseptong nakapaloob sa paglinang ng mga gampaning nahuhubog sa tao simula bata hanggang pagtanda.