Nakiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa groundbreaking ceremony ng Agricultural Camp para sa mga Children in Conflict with the Law (CICL) na ginanap noong Mayo 7, 2025 sa Inagawan Sub-Colony, Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF), lungsod ng Puerto Princesa.
FARMERS AND FISHERFOLK FORUM, ISINAGAWA SA BAYAN NG CUYO AT MAGSAYSAY
Dinaluhan ng nasa limangdaang (500) mga magsasaka at mangingisda mula sa mga bayan ng Cuyo at Magsaysay ang isinagawang ‘Farmers and Fisherfolk Forum’ na pinangunahan ng Provincial Agriculture Office (PAgO) ng pamahalaang panlalawigan na ginanap sa Cuyo, Palawan nitong nakalipas na Marso 18, 2025.
MGA PRODUKTO AT PASYALAN SA PALAWAN, IBINIDA SA 10TH INTERNATIONAL TRAVEL FESTIVAL 2025
Aktibong nakilahok ang lalawigan ng Palawan sa tatlong araw na selebrasyon ng 10th International Travel Festival (ITF) 2025 na idinaos sa Pacific Grand Ballroom ng Waterfront Cebu City Hotel and Casino mula Marso 14-16, 2025.
PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, NAGKALOOB NG MGA SEAWEED PLANTING MATERIALS AT KAGAMITANG PANGISDA SA MGA SEAWEED FARMERS AT FISHERFOLKS SA BAYAN NG AGUTAYA
Isang daan at limampung (150) seaweed farmers mula sa Barangay Concepcion at isang daang (100) mangingisda mula sa Barangay Poblacion sa munisipyo ng Agutaya, Palawan ang benepisyaryo ng seaweed planting materials at kagamitang pangisda mula sa pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Agriculture Office (PAgO) nitong nakalipas na Marso 12 at 14, 2025.
Kultura at Sining ng Palawan: Buhay na Pamana ng Bayan
Dala ng pagbabago ng panahon, hindi lamang sa agham at teknolohiya nakatuon ang ating pag-unlad, kundi pati na rin sa sining at kultura na patuloy na nagiging salamin ng ating nakaraan at kasalukuyan. Ito ay buhay na hindi natitinag, patuloy na nagbabago, lumalago, at nagiging bahagi ng bawat aspeto ng ating pamumuhay.
SERBISYONG LISTO, MATATAG AT PANATAG NA PALAWAN MULA SA PROVINCIAL DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT OFFICE SA TAONG 2024
Sa patuloy na pagtataguyod ng mga programa na nakatuon sa Disaster Prevention, Preparedness, Response at Rehabilitation ng Palaweño ay maayos na nagampanan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ang kanilang mandato para sa taong 2024 upang mapanatiling Listo, Matatag at Panatag ang lalawigan ng Palawan.
Isa ito sa binigyang prayoridad sa ilalim ng pamunuan ni Gob. Denis M Socrates,l upang tiyakin ang kaligtasan at malasakit sa mga Palaweño kung kaya’t sa pamamagitan nito ay nakamit ng Palawan sng Gawad Kalasag Award na beyond Compliant para sa taong 2024.
EPEKTIBO AT MAHUSAY NA PAGTATASA NG MGA REAL PROPERTIES SA PALAWAN, PINAIGTING NG PROVINCIAL ASSESSOR’S OFFICE
Sa layuning mas lalong mapabuti ang revenue generation ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa nakalipas na taong 2024, naging pursigido ang Provincial Assessor’s Office (PAssO) sa pagpapatupad ng mga epektibo at mabisang paraan para sa appraisal at assessment ng mga ari-ariang hindi natitinag o real properties sa lalawigan.
ILANG MAGSASAKA AT MANGINGISDA SA MUNISIPYO NG NARRA, BENEPISYARYO NG AGRICULTURAL INPUTS MULA SA PAMAHALAANG PANLALAWIGAN
Tumanggap ng iba’t ibang agricultural inputs tulad ng abono, insecticides at pesticides mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan ang bawat samahan ng mga rice farmers sa munisipyo ng Narra sa ilalim ng Provincial Government of Palawan-Corn and Rice Enhancement for Sufficiency (PGP Cares) Program.
PAGHAHATID NG SERBISYONG PANLIPUNAN PARA SA MGA PALAWEÑO, PINAIGTING NG PSWDO SA TAONG 2024
Pinaigting ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang paghahatid ng iba’t ibang serbisyong panlipunan sa mga Palaweño bilang pagtugon sa direktiba ni Gob. Dennis M. Socrates. Sa katunayan, sa taong 2024 umabot sa P30.5-Milyon ang naipagkaloob na tulong pinansyal sa ilalim ng Crisis Intervention Unit (CIU).
MGA INISYATIBO SA PAGTATAGUYOD NG KALUSUGAN, TINUTUKAN NG PROVINCIAL HEALTH OFFICE SA TAONG 2024
Bilang pagtugon sa direktiba ni Gob. Dennis M. Socrates na palakasin ang sektor ng kalusugan sa lalawigan ng Palawan, tinutukan ng Provincial Health Office (PHO) ang patuloy na pagtataguyod ng kalusugan ng mga Palaweño sa taong 2024.

