Empleyado ng Bataraza District Hospital sumalang sa Gender Sensitivity Training

Ginanap kahapon, huwebes, Mayo 15, 2025 ang Gender Sensitivity Training para sa mga empleyado ng Bataraza District Hospital.
Ito ay itinaguyod ng mga tagapagsanay ng Provincial Gender and Development Office upang pagpapaunlak sa imbitasyon ng nasabing Ospital bilang bahagi ng kanilang ginanap na Team Building (Character Development Program) sa La Corbel Beach Resort, Bgy. Binduyan, Lungsod ng Puerto Princesa.

55 BENEPISYARYO APEKTADO NG ASF SA MAGSAYSAY, TUMANGGAP NG FINANCIAL LIVELIHOOD ASSISTANCE MULA SA PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG PALAWAN

Bilang bahagi ng pagpapatuloy ng pagdiriwang ng National Women’s Month 2025 na may temang “Babae sa Lahat ng Sektor, Angat Buhay sa Bagong Pilipinas,” isinagawa ng Provincial Gender and Development Office ng Palawan ang Awarding of Financial Livelihood Assistance sa limampu’t limang (55) benepisyaryo mula sa Barangay Cocoro, Magsaysay nakaraang ika-13 ng Marso. Ang mga benepisyaryo ay kasapi ng dalawang aktibong asosasyon sa naturang barangay, kung saan karamihan sa mga miyembro ay mga kababaihang lubos na naapektuhan ng pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa kanilang lugar. Bawat isa sa kanila ay tumanggap ng halagang tatlumpung libong piso (₱30,000) na magsisilbing paunang puhunan para sa kanilang napiling alternatibong pangkabuhayan, na maituturing na mahalagang hakbang patungo sa muling pagbangon mula sa pinsalang dulot ng ASF. Ang nasabing aktibidad ay isinagawa sa ilalim ng pangangasiwa ng Provincial GAD Office bilang pagsunod sa mga itinatadhana ng Magna Carta of Women (RA 9710) at ng Local Government Code of 1991, partikular na sa mga probisyon hinggil sa pagkakaloob ng mga serbisyong pangkaunlaran na nakatuon sa sektor ng kababaihan. Layunin nitong matiyak na ang kababaihan sa kanayunan ay may pantay na akses sa oportunidad para sa kabuhayan, pagsasanay, at suporta mula sa lokal na pamahalaan.

Mahigit 8 Milyong Livelihood Assistance, Naipagkaloob sa 279 na Benepisyaryo sa Bayan ng Busuanga

Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng ₱30,000.00 bilang puhunan para sa kanilang napiling proyekto pangkabuhayan, na siyang magsisilbing tulay sa pagpapalakas ng kanilang kita at kabuhayan. Ang programang ito ay inisyatibo ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Dennis M. Socrates, na patuloy na nagsusulong ng mga programa upang maiangat ang kalidad ng buhay ng mga Palaweño at matugunan ang kanilang pangunahing pangangailangan.

𝐋𝐚𝐛𝐢𝐧𝐠𝐝𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 (𝟏𝟐𝐌) 𝐌𝐢𝐥𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐬𝐨 𝐧𝐚 𝐋𝐢𝐯𝐞𝐥𝐢𝐡𝐨𝐨𝐝 𝐂𝐚𝐬𝐡 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐤𝐚𝐥𝐨𝐨𝐛 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐥𝐚𝐥𝐚𝐰𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐄𝐥 𝐍𝐢𝐝𝐨.

Mahigit sa labindalawang milyong piso (P12M) ang ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa mga mamamayan ng bayan ng El Nido upang matulungan silang makapagsimula ng kanilang sariling kabuhayan. Sa ilalim ng Community-Based Gender and Development Livelihood Enhancement Program (CBGADLEP), nasa kabuuang 413 indibidwal mula sa 18 barangay ng El Nido ang nabiyayaan ng tulong pangkabuhayan. Ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng tatlumpung libong piso (P30,000) na maaaring gamitin bilang puhunan para sa kanilang napiling negosyo o kabuhayan.

310 Indibidwal mula sa 13 barangay ng bayan ng Araceli Tumanggap ng Tulong Pangkabuhayan sa Pamamagitan ng Gender and Development Livelihood Enhancement Program

Nasa kabuuang 310 indibidwal mula sa 13 People’s Organizations sa mga barangay ng Munisipalidad ng Araceli ang nakatanggap ng tulong pangkabuhayan sa ilalim ng Community-Based Gender and Development Livelihood Enhancement Program (CBGADLEP). Ang bawat benepisyaryo ay pinagkalooban ng P30,000 na layong mapabuti ang kanilang kabuhayan at pang-ekonomiyang kalagayan.

PROVINCIAL GENDER AND DEVELOPMENT OFFICE LIVESTOCK TRAINING

Naging makabuluhan at masaya ang idinaos na Training on Livestock Raising for Goat Farmers sa Bayan ng Roxas kahapon, Agosto 16, 2024 sa pamamagitan ng opisina ng Provincial Gender and Development (GAD) at pakikipagtulungan sa tanggapan ng Provincial Veterinary Office (ProVet).

408 BENEPISYARYO NG COMMUNITY-BASED GENDER AND DEVELOPMENT LIVELIHOOD ENHANCEMENT PROGRAM NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NA RESIDENTE NG MGA BAYAN NG CUYO AT MAGSAYSAY, TUMANGGAP NG TULONG PANGKABUHAYAN

Umabot sa dalawang-daan at dalawampu (220) na mga benepisyaryo mula sa Bayan ng Magsaysay, at isang daan at walumpu’t walo (188) mula sa Bayan ng Cuyo ang personal na tumanggap ng tulong pangkabuhayan mula sa Community-Based Gender and Development Livelihood Enhancement Program ng Pamahalaang Panlalawigan na nagkakahalaga ng 30,000.00 pesos kada benepisyaryo.