BASAHIN: 1ST FESTIVAL OF PALAWAN FRUITS, INILUNSAD SA KAPITOLYO

Opisyal nang inilunsad ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) ang “1st Festival of Palawan Fruits” ngayong araw, Setyembre 06, 2023 kung saan samu’t saring sariwang mga prutas mula sa mga magsasaka sa lalawigan ng Palawan ang itinampok dito na ginanap sa Centennial Pavilion ng kapitolyo.

“1ST FESTIVAL OF PALAWAN FRUITS”, ILULUNSAD NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN

Samu’t saring sariwang prutas mula sa mga magsasaka sa lalawigan ng Palawan ang maaaring mabili sa mura at abot kayang halaga sa isasagawang paglulunsad ng “1st Festival of Palawan Fruits” na gaganapin bukas, Setyembre 06, 2023 sa Centennial Pavilion ng kapitolyo mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon.

PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, MAGSASAGAWA NG ILANG AKTIBIDAD KAUGNAY SA PAGDIRIWANG NG IKA-123 CIVIL SERVICE MONTH SA SETYEMBRE

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-123 taong anibersaryo ng Philippine Civil Service ngayong buwan ng Setyembre na may temang “Transforming Public Service in the Next Decade: Honing Agile and Future-Ready Servant-Heroes,” iba’t ibang mga programa at aktibidad ang inihanda ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO) sa pamumuno ni PHRMO Officer-In-Charge Rolando B. BuΓ±i para sa lahat ng mga kawani ng kapitolyo.

PALAWAN INTER-MUNICIPALITY FOOTBALL LEAGUE 2023, PALAWAN SEPAK TAKRAW INVITATIONAL TOURNAMENT AT PALAWAN TABLE TENNIS JUNIOR PROGRAM, OPISYAL NANG SINIMULAN KAHAPON

Sinimulan nitong Agosto 22, 2023 ang tagisan ng mga manlalarong PalaweΓ±o sa larangan ng football, sepak takraw, at table tennis sa inaabangang mga kompetisyon na handog ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pamumuno ni Gob. V. Dennis M. Socrates na kasalukuyang ginaganap sa Western Philippines University (WPU)- Aborlan at Sofronio EspaΓ±ola Municipal Gymnasium.