SHELTERED PORT SA PAG-ASA ISLAND SA BAYAN NG KALAYAAN, PATULOY ANG KONSTRUKSYON

Sa layunin ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gob. V. Dennis M. Socrates na maitaas ang pang sosyo-ekonomikong kalagayan at pamumuhay ng mga residente sa Pag-asa Island sa bayan ng Kalayaan, Palawan, patuloy ang isinasagawang konstruksyon ng Provincial Engineering Office (PEO) ng proyektong Sheltered Port sa nabanggit na lugar.

PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, NAKIISA SA INTERNATIONAL COASTAL CLEAN-UP DAY

Aktibong nakiisa ang lalawigan ng Palawan sa isinagawang International Coastal Clean-Up Day kahapon, Setyembre 16, 2023 na ginanap sa iba’t ibang barangay ng bawat munisipyo sa lalawigan na pinangunahan ng bawat Pamahalaang Lokal sa pakikipag-ugnayan ng Provincial Government- Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) ng Pamahalaang Panlalawigan.

501 NA MGA PALAWENO, NAKAPAGPROSESO NG LISENSYA SA GINANAP NA LTOPF CARAVAN SA KAPITOLYO

Umabot sa 501 ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na nakapagproseso ng aplikasyon at nakapag-renew ng lisensya sa isinagawang License to Own and Possess Firearms (LTOPF) Caravan na isinagawa sa loob ng 5 araw mula Setyembre 11-15, 2023 na ginanap sa PGP Convention Center ng kapitolyo bilang isa sa mga aktibidad sa selebrasyon ng 123rd Philippine Civil Service Anniversary ng mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan.

607 NA MGA PALAWENO MULA SA APAT NA BAYAN SA LALAWIGAN, NAPAGKALOOBAN NG LIBRENG DENTAL PROCEDURES NG DO .IT HELP TO SMILE OUTREACH PROGRAM

Umabot sa 607 na mga Palaweño ang napagkalooban ng libreng dental procedures ng Do .It Help To Smile Organization katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pamamagitan ng Provincial Health Office (PHO) at ang mga tanggapan nina Board Members Juan Antonio E. Alvarez at Roseller S. Pineda sa isinagawang dental outreach program nitong nakalipas na Agosto 07-13, 2023.

BAKUNA CHAMPIONS TRAINING OF TRAINERS, KASALUKUYANG ISINASAGAWA

Isinagawa ang Bakuna Champions Training of Trainers na pinangangasiwaan ng Provincial Health Office (PHO) katuwang ang Department of Health – Center for Health Development (DOH CHD-MIMAROPA) na sinimulan mula Agosto 30, 2023 hanggang Setyembre 01 sa Hue Hotels and Resorts Puerto Princesa.